Ni: Carl Chua

                Quiban, tumikada sa Division Meet

Umarangkada si Ella Quiban ng 10-Hemingway sa Women’s Track and Field, Athletics upang makapasok sa Regional Meet Palaro nang makamit ang  ikalawang pwesto sa 100-meter run at 200-meter run sa Pasay City Division Meet Palaro na ginanap sa PhilSports Track Oval, Pasig noong Enero 12-13.

Tumakbo nang nakayapak ang 15 taong gulang Quiban subalit nagawang ungusan ang nga naka spike shoes na katunggali. 

 Aniya, ilang hakbang na lamang papuntang gintong medalya ang pinanghinayangan niya.

“Napakasaya ko kahit hindi man pinalad na makuha ang gold medal, nagawa  ko naman ‘yung best ko para makapasok bilang isang medalist. Grateful din ako na maraming sumusuporta sa akin, pamilya ko and si Coach Ma’am Pineda. ” bulalas ni Quiban.
               
              “Lalo ko pang pagsisipagan sa mga ensayo para sa susunod na laban, makaka-gold medal na ako” dagdag niya.