Ni: Carl Vincent C. Chua
Philippines ang ikalimang puwesto sa 32nd Southeast Asian Games kabilang ang dalawang pinagsanib pwersang mag-aaral ng Pasay City Na-tional High School na sina Mark Lester Ragay, 18 mula sa Sports Track 11 at Vincent Ebayan Ventura, 18 ng ABM-11 matapos magpakitang gilas at ibandera ang Watawat ng Pilipinas sa Cambodia, 2023.
Miyembro ng Batang Pinoy o The Philippine Youth Games ang kapwa estudyante ng PCNHS at dito na sila nakitaan ng potensyal. Unang sabak pa lamang nila sa Sea Games subalit napadpad na ang dalawang Wushu Player sa iba’t ibang bansa para sa International Games.
Nakapaglaro si Ragay sa Bulgaria, Europe sa 6th World Wushu Championship taong 2016 bilang 4th place, South Korea, 2017 na nasungkit ang Gold at Bronze medal sa Brunie, 2019 kaugnay ng World Junior Wushu Championship at Indonesia, 2022 ng 8th World Wushu Championship.
Samantala naipresenta ni Ventura ang Pilipinas sa Inner Mongolia taong 2015 sa Asian Junior
Wushu Championship at sa Indonesia, 2022 ng World Wushu Championship.
Nabitiwan ni Ventura ang ‘weapon’ sa kalagitnaan ng laban kaya’t nais niyang bumawi sapagkat
unang beses pa lamang nila parehas sa Sea Games.
“Dedication, persistently and passion is the key at huwag lang ma-pressure kapag nasa competition na,” pahayag ni Ragay. Puspusan ang ensayo ng Wushu Taolu na may routine na Duilian sa Philippine Sports Commision simula Enero ang mga atletang magaaral ng Pasay City National High School na lalaban sa 32nd Southeast Asian Games sa Camboa. Kinilala ang dalawang mag-aaral ng PCNHS na sina Vincent Ventura (kaliwa), Mark Lester Ragay (gitna) at Mark Anthony Polo ng Pasay City South High School.
“Araw-araw training, warm-up, stretching at pag-perform ng basics para ma perform iyong difficult… para hindi magkamali sa competition. And after mag-perform stretching ulit at cooldown activities,” wika ni Ventura bilang paghahanda niya sa mga ensayo. Aniya, dibdibang ensayo para dadagdagan ang mga makukuha na medalya sa International Competition at makapagtapos ng pag-aaral ang ipinangako ng dalawang magigiting na atleta ng PCNHS.