Ni : Sophia Avril Villarico
Ginanap ang Nationwide Tree Planting Activity noong Disyembre 6, 8:00 ng umaga, sa bakuran ng Pasay City National High School. Upang markahan ang aktibidad sa pagtatanim ng puno sa buong bansa, inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralan na ilipat ang mga klase sa asynchronous learning. Ito ay bilang pakikibahagi sa proyekto ng DepEd, “236,000 Puno: Regalo sa Pasko para sa mga Bata” na nakapaloob sa memorandum ng DepEd bilang 069 s.2023, layunin aktibidad na ito na matiyak ang malinis at luntiang kapaligiran para sa mga mag-aaral at sa kanilang kinabukasan.
Kasama ang mga pinuno ng kagawaran, lumahok ang iba’t-ibang organisasyon ng paaralan sa kaganapan; kabilang dito ang SSLG na pinamumunuan ni Bb. Melissa Binayas, Boy Scout of the Philippines Pasay Council at Girl Scout of the Philippines Pasay Council sa pangunguna nina G. Roger Geasin at Bb. Vivian Ubao, Senior Red Cross Youth, na pinamumunuan ni G. Rolly Parras, PCNHS-Senior Plus Red Cross Youth sa pangunguna ni G. Arnicko Sison; YES – O PCNHS sa pangunguna ni Gng. Leia Mijares at School Parent Teachers Association (SPTA) na pinamumunuan ni Gng. Annaliza Eusebio. Ang Tree Planting Activity ay naglalayong itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran ng mga Kabataang Pilipino.