Menu
Philippine Standard Time:

By Shanley Erodiaz

Dumalo ang mahigit 200 na estudyante at sampung guro mula sa Special Program in Arts (SPA) ng Pasay City National High School sa Cultural Center of Philippines Complex noong ika-apat ng Pebrero upang tunghayan ang Pasinaya Festival na may temang “SEE-ALL-YOU-CAN! WORKSHOP-ALL-YOU-CAN! NETWORK-ALL-YOU-CAN! PAY-WHAT-YOU-CAN!”.

Natunghayan ng mga mag-aaral ng PCNHS ang Opening Ceremonies ng Pasinaya tulad ng pagsayaw sa theme song ng Pasinaya, mga workshops at pagtatanghal katulad ng Dance Hip Hop at Black Box Theater sa Benilde.

“Iba kasi iyong may physical interaction…and then…that they see that our culture is alive. Ang arts kasi is one big place…a very very big part in the Development naman though…Making sure that they are proud of the Pilipino Culture.” ani ni Carmela Millado Manuel na Company Manager ng Tanghalang Pilipino.

“Ang Pasinaya ang pinakahihintay kong Festival dahil lahat ng estudyante ng SPA ay makakapunta upang mag-workshop at magkaroon ng interaksyon ang bawat estudyante mula sa iba’t ibang antas ng baitang at paaralan. Masaya ako sapagkat pagkatapos ng tatlong taon ay naranasan ko muli ang Pasinaya kaya naman marami akong natutunan at naging  ala-ala kasama ang aking mga kaklase sa nangyaring aktibidad,” Nalla Escultura